1. Acquisition or disposition of assets
Kapag bumili or nagbenta ang isang company ng pag-aari para sa pagpapatuloy ng business. Example, binili ni AREIT yung The 30th sa may Meralco Avenue sa Pasig
• Acquisition or disposition of shares of another corporation
o bumili o nagbenta ang isang company ng shares ng isa pang company. Example: Bumili si Ayala Corp ng 20% stake sa Yoma Strategics Holdings.
• Amendments to articles of incorporation
o May gagawin na pagbabago sa company. Example: dinagdagan ni AREIT ang bilang ng kanyang Directors, from 7 to 8
• Amendments to By-Laws
o May pagbabago sa mga ginawang agreement ng Board of Directors among themselves. Example: Dagdagan ang annual regular meetings ng Board of Directors, from 4 to 5
• Change in control of issuer
o May pagbabago sa ownership structure ng isang company, kung saan may bagong “controlling shareholder” o ang shareholder na may hawak ng majority shares ng company. Example: binili ni Tiger Asia ang ABG shares ng ilang piling stockholders, kaya Tiger Asia already owns 66.67% of ABG
• Change in corporate contact details and/or website
o para ma-inform ang investors kapag nagpalit ng landline number, email, or website ang isang company
• Change in corporate name and/or stock symbol
o kapag gusto magpalit ng company name and stock symbol ang isang company. For example, ang dating Trans-Asia Oil and Energy (TA) ay nagging Phinma Energy (PHEN), then naging AC Energy Philippines (ACEPH), then finally, naging ACEN
1. Change in directors and/or officers (resignation, removal, or appointment, election and/or promotion)
1. kapag may nagresign, tinanggal, in-appoint, in-elect, or napromote na Director or Officer sa isang company. Example: Nagresign si Jerome Pascual bilang Vice President of Finance ng SHLPH at pinalitan ni Rey Abilo
• Change in external auditor
o Pag nagpalit ng external auditor ang isang company. Example: Pinalitan ng BSC ang kanilang external auditor, from SGV & Co. to Reyes Tacandong & Co. Ini-inspect ng external auditor kung valid ba ang pagkakareport ng numbers sa financial records ng isang company.
• Change in fiscal year
o pag may pagbabago sa kung kelan nagsisimula ng taon or “fiscal year” ang company at kung kelan nagtatapos ng taon. Example: Pinalitan ni BCOR ang start ng kanyang fiscal year, from May 1 ay naging July 1. Ang pagtatapos ng kanyang fiscal year ay pinalitan din, from April 30 ay naging June 30
• Change in number of issued and/or outstanding shares
o Nirereport ito ng company kapag may pagbabago sa number of shares sa merkado. Karaniwang nilalabas itong report kapag nagkaron ng ‘employee stock option’, o kapag ang empleyado ay bumili ng shares ng kanilang company, normally at discounted prices
• Change in par value
o May pagbabago sa “par value” ng shares ng isang company. Ang par value ay ang minimum price na pwedeng ibenta ang isang stock. Example: Pinalitan ni ANI ang kanyang par value, from P1.00/sh to P0.10/sh
1. Clarification of news reports
1. kapag may gusto linawin ang company tungkol sa isang balita na nailabas about them
• Stock Rights Offering (SRO)
o Kapag kelangan ng cash ng isang company, nagbibigay siya ng karapatan, but not the obligation, sa mga shareholders na bumili ng additional shares at a discounted price. Example: Magkakaron ng SRO si ACEN by 1Q21 at P2.37/share.
• Creation and issuance of new equity security
o kapag mag-offer ang isang company ng panibagong equity securities para makapag-raise ng cash. Example: Nagbenta si PCOR ng preferred shares noong June 2019 para makapag-raise ng cash pambayad ng utang
• Issuance of debt securities
o kapag mag-offer ang isang company ng debt securities (or “utang”) para makapag-raise ng cash. Ito ay pwedeng bonds or loans, at mayrong kalakip na interest.
• Issuance of warrants
o Bibigyan ang isang holder ng karapatan, but not the obligation, na bumili ng isang stock sa napagkasunduang presyo at date. Example: Nung October 2020, pumayag ang Board of Directors ng GREEN na magbigay ng warrants sa shareholders that will allow them to buy GREEN shares at a 5% discount after 5 years.
• Options
divided into two types: call and put. Ang isang call option ay nagbibigay sa isang investor ng karapatan, but not the obligation, na bumili ng isang stock at a certain price on a certain date. Medyo similar ito sa warrant. Isa sa pagkakaiba nila is that warrants only come from the company itself, whereas a call option can be issued by other parties. On the other hand, ang put option ay nagbibigay sa isang investor ng karapatan, but not the obligation, na magbenta ng isang stock at a certain price on a certain date.
1. Declassification of shares
1. minsan, ang shares ng isang company ay nahahati sa Class A at B, wherein ang mga may hawak ng Class A shares have more voting rights. Kumbaga, mas valuable ang Class A share kesa sa Class B share. Ang declassification of shares ay nagtatanggal ng mga gantong paghahati ng shares, para lahat ng shares ay maging pantay-pantay in terms of value.
• Reclassification of shares
o pag may pagbabago sa description ng shares ng isang company. Example: Pumayag ang Board of Directors ng ANI na i-reclassify ang kanilang 40 million na unissued common shares into 400 million na preferred shares. ‘Unissued’ means hindi pa naibebenta sa investor
• Redemption of security
o Ang pagbili ng isang company ng fixed-income securities sa market bago pa ito magmature. Fixed-income securities include preferred shares and bonds. Example: Ni-redeem ni SMC ang kanyang 89 million preferred shares noong August 2020.
• Joint Ventures
o kapag may 2 or more companies na gusto magpartner para sa isang project. Example: Nagpartner si GMR and MWIDE para i-rehab ang NAIA.
• Mergers and Consolidations
o kapag merger, Companies A and B combine, with Company A being the survivor company. Kapag consolidation, Companies A and B join together to form Company C. Example: On November 19, 2020, pumayag ang Board of Directors ng HLCM na i-merge ang Holcim PH Manufacturing Corp., Mabini Grinding Mill Corp., at Bulkcem PH Inc, into HLCM. Ang tatlong companies na ito ay subsidiaries ni HLCM.
1. Results of Annual or Special Stockholders’ Meeting
1. nire-report ng company kung ano ang nangyari sa stockholders’ meeting
• Results of Organizational Meeting of Board of Directors
o nire-report ng company kung ano ang nangyari sa meeting ng Board of Directors
• Legal Proceedings
o Upang magbigay ng balita tungkol sa kaso na hinaharap ng isang company sa korte.
• Notification of completion or termination of offering
o para ma-inform ang investing public kung tapos na ang offer period ng isang fund-raising activity ng isang company. Example: natapos ang offer period ng SRO ng CHP noong January 2020
• Findings of external auditor (fraud or error)
o nire-report ang resulta ng inspection ng external auditor sa financial records ng isang company. Ito ay mahalaga dahil dito malalaman kung reliable ba at walang pandaraya sa pagreport ng financial statements ng isang company.
• Disbursement of proceeds and progress report
o para ma-inform ang investors kung pano ginamit ang pera na na-raise mula sa kanila. Madalas nilalabas itong report pagkatapos ng isang fund-raising exercise (for example: IPO, SRO, FOO)
• Material information/transactions
o kapag may isang pangyayari o transaksyon na malaki ang epekto sa company o investors. Example, pumayag ang Board of Directors ng isang company na maglabas ng dividends sa investors.
• Press release
o Para ipa-alam sa investors ang isang balita na nailabas tungkol sa company
1. Reply to exchange’s query
1. mino-monitor ng Philippine Stock Exchange (PSE) ang activities ng mga listed companies, at minsan ay humihingi ito ng additional details for clarification mula sa isang company. Dapat ay sagutin ito ng company. Example: Nilinaw ng MPI ang mga details ng Share Buy-back Program, to answer the query from the PSE.
• Voluntary trading halt
o minsan ay nagre-request ang isang company na pansamantalang itigil ang trading ng kanyang shares sa market para mabigyan ng sapat na oras ang investing public para intindihin ang isang importanteng pangyayari tungkol sa company. Voluntary trading halt may happen in the middle of trading. Example: nag-request si MAC ng voluntary trading halt para ma-absorb ng public ang news about their Sangley Airport bid
• Voluntary trading suspension
o medyo similar ito sa voluntary trading halt, except that voluntary trading suspensions usually last longer. Also, voluntary trading suspensions usually happen before trading begins.
• Substantial acquisitions
o Kapag bumili si Company A ng ownership stake kay Company B, making Company A the controlling or majority shareholder of Company B. Example: Nung September 2019, bumili ng 100% ownership stake si JFC kay CBTL.
• Declaration of cash dividends
o para ma-inform ang shareholders kung magkano ang cash dividends (per share) na ibibigay ng company, at kung kelan ito ibibigay. Example: nagdeclare si FGEN ng cash dividends P0.28/share naibibigay sa December 22, 2020
• Declaration of stock dividends
Imbis na cash, additional shares ang minsan binibigay as dividends ng isang company sa investors. Example:nagdeclare si JGS ng 5% na stock dividend, na ibibigay sa November 25, 2020. So kung meron kang 100 shares ng JGS, bibigyan ka nya ng additional 5 shares.
1. Declaration of property dividends
1. minsan, shares ng isang subsidiary ang binibigay as dividends ng isang company sa kanyang investors. Example: binigyan ni RLC ang kanyang investors ng shares ng Altus Property Ventures Inc. Ito ay isang kumpanya na pagmamay-ari ng RLC.
• Notice of annual or special stockholders’ meeting
o Para ipa-alam sa mga shareholders na magkakaron ng meeting upang pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa company
• Postponement of annual stockholders’ meeting
o Nililipat sa later date ang meeting minsan kapag kailangan pa ng management ng additional time to prepare para sa presentation sa shareholders
• Share buy-back transactions
o kapag may extra na pera ang company, binibili nito samerkado ang sarili nyang shares para mas tumaas ang value ng stock. Ito din ay pwedeng magsilbing suporta sa stock price para mapigilan ang pagbaba nito. Kapag nagkaron ng share buyback, ang shares na nabili ng company ay mapupunta sa treasury at tatawaging “treasury shares”.
• Sale of treasury shares
o ang “treasury shares” ay mga sariling shares na hawak ng isang company at hindi kabilang sa mga shares na umiikot sa merkado. Pwedeng ibenta ito ng company sa willing buyers para makapag-raise ng cash.
• Acquisition or disposition of shares by subsidiaries/affiliates
Kapag ang subsidiary or affiliate ng isang company ay nagbenta or bumili ng kanyang shares. Example: Cirtek Electronics Corp, a subsidiary of TECH, sold TECH shares at P6.66/sh.
1. Voluntary lock-up
1. Kapag ang minority investor ng isang company ay pumayag na wag magbenta ng shares during the lock-up period, kahit hindi naman required. Kaya tinawag na ‘voluntary’. During the lock-up period, bawal magbenta ang majority shareholders ng kanilang shares. This happens usually after an IPO. Example: Noong April 2017, pumayag si Spathodea Campanulata Inc. na wag magbenta ng kanyang SHLPH shares during the lock-up period, kahit below 10% lang naman ang ownership stake nito sa SHLPH. The lock-up period on SHLPH shares lasted for 180 days after listing date.
• 12-1 Change in Stock Transfer Agent
• Stock Transfer agents – sila ang may record ng lahat ng shares ng investors sa isang stock
• Pag binago ang stock transfer agent, ang report na ito ay nagsasabi sino ang bagong hahanapin kung may tanong o problema ang isang investor tungkol sa stock certificates, gaya ng pagpapalit ng mga nawawalang stock certificates, paglipat ng shares sa mga tagapagmana atbp.
• 13-1 Change in Shareholdings of Directors and Principal Officers
• Directors and Principal Officers ang mga nagpapatakbo ng isang kumpanya
• Kapag bumili sila ng shares ng sariling kumpanya, pwedeng signal ito na baka masyadong mababa ang presyo ng kanilang kumpanya tapos kung nagbebenta naman sila ng shares nila, pwedeng signal ito na masyadong mataas ang presyo ng kumpanya sa merkado
• 14-1 Notice of Analysts’/Investors’ Briefing
• Isa itong paraan para mabigyan ng update ang mga analysts at investors sa mga plano ng mga listed companies
• 16-1 Update on Corporate Actions/Material Transactions/Agreements
• Nagbibigay ito ng mga bagong detalye sa naunang pahayag ng company sa mga nangyayari sa kanila
• Mahalaga ito sa mga investors kasi pwedeng magbago ang tingin (pwedeng positive at pwedeng negative) ng isang investor dahil sa mga detalyeng ibinibigay ng kumpanya
•
• BL-1 Comprehensive Corporate Disclosure on Backdoor Listing
• Pag backdoor listing, may isang kumpanya na hindi kasama sa listahan ng mga kumpanya sa PSE na bumili ng isang kumpanya na listed sa PSE para yung hindi listed ang pumalit sa listed company
• Dahil wala tayong alam sa bagong kumpanya na papalit, ni-rerequire ni PSE na magpakilala ang bagong kumpanyang ito gaya ng pagbibigay detalye ukol sa: bagong mga may-ari, plano ng mga may-ari, ano ang business ng bagong kumpanya, kamusta ang kanilang financial status, etc.
• Sa mga ganitong detalye, posibleng ayaw na ng mga existing investors ang bagong kumpanya at ibebenta na nila ang hawak nilang shares at pwede rin itong makapaghikayat ng mga bagong investors
• QR-1 Quasi-Reorganization
• Ibig sabihin ng Quasi ay partly o isang bahagi lamang
• Madalas itong ginagawa upang ayusin ng kumpanya ang kanilang capital structure, mga tauhan, posisyon o mga hawak nitong iba pang kumpanya. Sa ganitong paraan, masasabi rin na naghahanda ang isang kumpanya para sa pagpapalawak ng kumpanya, pag-execute ng mga plano na magpapalaki sa kita ng kumpanya o naghihikayat ng mga investors na mamuhunan sa kanila
• LR-1 Comprehensive Corporate Disclosure on Issuance of Shares (Private Placements, Share Swaps, Property-for-Share Swaps or Conversion of Liabilities/Debt into Equity)
• Pag malaking porsyento ng shares ng kumpanya ang mabago (madagdagan, mabawasan, o napalitan ng may-ari), kailangan mag-report ng kumpanya sa PSE
Sa private placement, may malaking investor na papasok o lalabas ng kumpanya
• at yung presyo na iyon ay madalas na signal na mahal o mura ang presyo ng stock sa panahon na iyon
• Sa Share Swap, dinedetalye nito ang pagpapalitan ng shares ng dalawang kumpanya dahil sa isang business agreement
• Pag sinabing Property-for-Share swap, imbes na maglabas ng pera ang kumpanya, magbibigay na lang siya ng bagong shares upang bayaran ang binili niyang property
• Sa Conversion of debt to equity, yun mga utang ng kumpanya papalitan na lang ng shares para maging investors na rin ang mga pinagkakautangan ng kumpanya
• Madalas, nadadagdagan ang mga shares ng buong kumpanya dahil sa mga unang nabanggit. Ang epekto nito eh dadami ang mga maghahati-hati sa taunang kita ng kumpanya at liliit ang pagmamay-ari ng mga kasalukuyang investors, yun ang tinatawag na dilution, at ayaw ng mga investors na liliit ang kita nila sa kumpanya kaya madalas negative ito
• Pero kung inaasahan na ang mga pagdagdag ng shares ay magpapalaki sa kita ng kumpanya nang mas higit pa sa dami ng shares sa hinaharap, positive ito
1. LR-2 Comprehensive Corporate Disclosure on Placing and Subscription Transactions
2. Nilalahad ng isang kumpanya kung sinong tao o kumpanya ang bumili ng malaking porsyento ng shares ng kumpanya
3. Maari kasing magbago ang may-ari at pwede rin na makita kung gaano kalayo ang presyong napag usapan kung ikukumpara sa presyo sa merkado
• LR-3 Submission of Documents Related to Approved Listing Applications
• Ipinapakita ng report na ito ang katunayan na nakakuha ang kumpanya ng approval mula sa PSE para ma-list ang mga shares na in-issue
• DLR-1 Voluntary Delisting
• Inaabisuhan ang mga investors na magiging pribadong kumpanya na ang listed company na nag file nito at matatanggal sa listahan ng stocks sa PSE
• Pag nawala na ang stock sa PSE at bumalik maging private company, hindi na ito mag-ttrade, at mahihirapan na bumili o mag benta ang mga investor nito at may mga gastos na malaki gaya ng tax
• Ang detalye ng delisting ay nasa petition for voluntary delisting and other related documents
1. DLR-2 Petition for Voluntary Delisting and Other Related Documents
2. Inaabisuhan ang mga investors na nais ng listed company na maging isang pribadong kumpanya na ang nag file nito at matatanggal sa listahan ng stocks sa PSE
3. Sa report na ito, sinasabi ng kumpanya kung papaano makakalabas ang mga may hawak ng shares nila, anong presyo ibebenta, kailan makukuha ang pera, kailan ang suspension and delisting date, etc.
4. Ang mga may hawak ng stocks dito ay binibigyan ng panahon para ibenta ang kanilang shares pabalik sa kumpanya dahil pag nawala na ang stock sa PSE, hindi na ito mag-ttrade, at mahihirapan na bumili o mag benta ang mga investor nito at may mga gastos na malaki gaya ng tax
• 17-1 Annual Report
• ito ang isa sa pinakamahalagang document na dapat binabasa ng isang investor dahil inedetalye ng report na ito ang performance at accomplishment ng kumpanya sa isang buong taon. Nakasaad din dito kung papaano ginamit ng kumpanya ang pera ng mga shareholders at ano ang mga planong naisakatuparan nila
• 17-2 Quarterly Report
• Ipinapakita rito ang quarterly financial performance ng isang kumpanya o pwedeng masabing progress report, First Quarter (January 1 – March 31), Second Quarter (April 1 – June 30), Third Quarter (July 1 – September 30)
• Ang Fourth Quarter (October 1 – December 31) ay isinasabay na ang pag-f-file sa Annual Report
• 17-3 Request for extension to file SEC Form 17-A
• Humihingi ng palugit ang kumpanya sa PSE na ma-i-file ang Annual Report nang lagpas sa deadline na April 15
• Isa sa mga dahilan nito ay hindi pa tapos ang pagsusuri ng mga auditors sa kumpanya
• 17-4 Request for extension to file SEC Form 17-Q
• Humihingi ng palugit ang kumpanya sa PSE na ma-i-file ang Quarterly Report nang lagpas sa deadline na May 15 (First Quarter), August 15 (Second Quarter), November 15 (Third Quarter)
• Ang Fourth Quarter (October 1 – December 31) ay isinasabay na ang pag-f-file sa Annual Report sa deadline na April 15
• Isa sa mga dahilan nito ay hindi pa tapos ang pagsusuri ng mga auditors sa kumpanya
• 17-5 Information Statement
• Isa itong report na kailangan ma-i-file ng listed company sa SEC at maipamahagi sa mga shareholders bago maidaos ang annual stockholders’ meeting
• Kasama sa report na ito ang agenda o mga pag uusapan ng kumpanya sa stockholders’ meeting at mga kinakailangang pagbotohan ng mga shareholders
• 17-6 Initial Statement of Beneficial Ownership of Securities
• Isinusumite itong report ng mga may-ari at officers ng kumpanya at naglalaman ng lahat ng hawak nilang shares sa kumpanya at regularly ina-update
• 17-7 Statement of Changes in Beneficial Ownership of Securities
• Binabantayan itong report na ito para makita kung bumibili o nagbebenta ng shares ang mga may-ari ng kumpanya
• Kadalasang ang may-ari ng kumpanya ay siya ring nagpapatakbo ng kumpanya kaya nagsusumite din sila ng Change in Shareholdings of Directors and Principal Officers report
• Gustong maiwasan ng PSE at ng SEC ang tinatawag na insider trading o yun mga may-ari o mga nasa loob ng kumpanya ay bumili na bago pa man lumabas ang isang magandang balita o nauna na silang nagbenta bago pa lumabas ang masamang balita
• 17-8 Report by Owner of More Than Five Percent
• Ang mga investor na bumibili ng higit 5% ng total outstanding shares ng kumpanya ay kailangang magsumite ng report na ito kasama na ang dahilan bakit bumibili ng malaking porsyento ang mga investor na ito
1. 17-9 Short Form Report by Certain Institutional Owners of More than Five Percent
2. Ang mga investor na bumibili ng higit 5% ng total outstanding shares ng kumpanya ay kailangang magsumite ng report na ito
1. 17-10 Report on the Number of Shareholders
2. Inaalam lang nito ilan ba shareholders ng isang listed stock
1. 17-11 List of Stockholders
2. Nilalaman nito ang lahat ng may hawak ng stock na ito
• 17-12 List of Top 100 Stockholders
• Nilalaman nito ang Top 100 na pinakamalaking may hawak ng stock na ito
• 17-13 Foreign Ownership Report
• Nilalaman nito anong nationality o lahi ang may hawak ng stock na ito
• 17-14 Annual Verification of the Mines and Geosciences Bureau
• Applicable ito sa mga mining companies na magpapatunay na may hawak silang mga valid na mining properties o sila ang pwedeng mag explore sa mining property na iyon
• 17-15 Annual Verification of the Department of Energy
• Applicable ito sa mga oil o energy companies na magpapatunay na may hawak silang mga valid na service contracts para makapag-explore ng oil deposits
• 17-16 Tender Offer Report
• Ginagawa ang tender offer kapag may malaking investor na pumasok tapos malayo sa presyo ng merkado.
• Pinapayagan ito para sa mga investor na gustong lumabas sa stock dahil may pagbabago sa business o bago na ang may-ari o di kaya ay nagdedelist na
• Ang report na ito ay sinusumite pag tapos na ang tender offer period. Sinasabi dun kung bakit nagkaroon ng tender offer, ilan ang kumagat sa offer, ano ang mangyayari, kailan ang bayaran, etc.
• 17-18 Other SEC Forms, Reports and Requirements
• Mga report ito na hindi maclassify sa mga unang nabanggit
• CP TR-1 CP Technical Report
• Mga report ito na sinusumite ng mga mining companies na kung saan lumalabas ang resulta ng kanilang exploration sa designated mining property
• Sinasabi dun kung anong minerals ang potentially pwedeng ma-mina at gaano kadami, anong quality, etc.
• POR-1 Public Ownership Report
• Pinapakita nito ilang porsyento ng kumpanya ang hawak ng mga may-ari sa common shares
• POR-2 Public Ownership Report (Classified Shares)
• Pinapakita nito ilang porsyento ng kumpanya ang hawak ng mga may-ari sa iba’t ibang uri ng shares na inilabas ng kumpanya gaya ng preferred shares
• I-ACGR Integrated Annual Corporate Governance Report
• Ang ibig sabihin ng Corporate governance ay mga klarong rules at processes tungo sa maayos na pamamalakad ng isang kumpanya
• Sa report na ito makikita kung ang isang listed company ba ay sumusunod sa mga recommendations ng SEC, PSE at ASEAN para palakasin ang corporate governance
• Pag mataas ang scorecard sa report, malaki ang chance na mas maayos ang palakad ng kumpanya kumpara sa iba
• CMIC Form -2 Reply to Inquiry on: Unusual Price Movement
• Ang mga stock na umaakyat sa ceiling (+50%) o bumabagsak (-30%) sa isang araw ay kinakailangang magsumite ng report na ito para mag-explain kung bakit sobrang laki ng inakyat o binaba ng stock
• Gustong malaman ng PSE kung may balita o pangyayari sa kumpanya na hindi pa nairereport ng kumpanya sa PSE
Dyrectory Business Directory
Thank You Ms. GK 🙂
Salamat Miss GK.